Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Invesgation (NBI) ang isang
Grade 5 teacher matapos halayin ang isang
11-anyos na estudyante
sa Cavite.
Sa motel dinala ng
suspek na tinatago sa
pangalang “Mike” ang
menor de edad para
halayin at hinatid ito sa
tahanan ng biktima sa
Cavite.
Sinumbong ng biktima ang mga pinaggagawa ng suspek sa kaniya
sa ina nito na naging
dahilan upang dumulog
ang ina sa tanggapan ng
NBI.
Pinainom rin daw
ang biktima ng pills na
galing sa misis ng suspek, at ayon pa sa biktima, Hunyo pa lang ay
nagsisimula na siyang
halayin sa opisina ng
suspek.
Ayon sa mga awtoridad, natagpuang
32-anyos ang suspek
at may tatlong anak na
babaeng kasing-edad
lang rin ng biktimaโ
depensa ng suspek, hindi daw niya pinilit ang
bata.
Haharap sa patong-patong na kaso
ng child abuse, rape at
abduction ang suspek,
kasama rin sa kaso ang
asawa nitong nagbigay
ng pills sa bata.
Tumanggi namang
magbigay ng pahayag
ang paaralan. Nakikipag-ugnayan na umano
sila sa legal division at
regional offices ng Department of Education
tungkol sa kaso.