DRIVER NAGPAKULONG DAHIL SA LAKI NG HOSPITAL BILL

Isang lalaki na driver ng motorsiklo na nakasagasa sa
mag ina ang kusang
loob na nagpakulong
na lamang makaraang
hindi nito makayang
bayaran ang hinihinging hospital bill sa
Brgy Molino 4, Bacoor
City Cavite
Ayon sa report,
Kapwa ginagamot
sa Perpetual Hospital ang biktimang si
Shirley Maturgo y Hernandez, nasa hustong
gulang at anak nito na
walong taong gulang
dahil sa tinamong
sugat sa nasabing
aksidente.
Kinilala naman
ang driver ng motor
na si Ronilo Pelayo y
Tahor.
Base sa ulat,
Dakong alas 6:30
ng umaga, papatawid umano ang mag ina sa kahabaan ng
Molino-Zapote Road
sa Brgy Molino 4, ng
nasabing lungsod
upang ihatid ang anak
nito sa Molino Elementary School nang
aksidenteng nasagi
sila ng suspek sakay
ng kanyang Kawasaki
100 na motor.
Dahil sa pagkkahagip, Kapwa bumagsak ang mag-ina sa
semento kung kaya
nagtamo ito ng mga
sugar sa katawang
sugat kaya isinugod
sa ospital.
Napag alaman na
maayos namang makikipag ayos ang suspek sa kamag-anak
ng biktima sa Bacoor
City Component Police Station at dito ay
hinihingan siya ng
halagang P50,000 na
inisyal na bayad para
sa hospital bill, subalit l ikinabigla umano
ito ng driver at dahil
sa wala siyang mapagkukunan ng nasabing halaga nagpasya
na lang ang suspek
na magpakulong kung
kaya kinasuhan na
lamang ito . MARGIE
BAUTISTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *