ALFAMART CONVENIENCE STORE MULING HINOLDAP

Sa ikaanim na beses muling sinamsam at niransak
ng holdaper na nagpanggap na kostumer
ang isang convenience
store at natangay ang
kinita nito sa Sta. Isabel, Kawit Cavite.
Tinatayang nasa
5,000 libong pisong
kita ang natangay sa
Alfamart store na nakabase sa Sta Isabel
ng nasabing bayan.
Ayon sa pulisya.
dakong alas-7:50 ng
hapon nang pumasok
ang isa sa mga suspek sa loob ng nasabing tindahan na
umanoy nagpanggap
na customer habang
ang kasama nito ay
nagsilbing look-out.
Patuloy naman
ang follow up operation ng pulisya sa
posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek base na rin sa
diskripsyon may taas
na 5”4”, habang nakasuot ng kulay puti
na sando, itim na maong pants, may tattoo
sa kaliwa at kanan na
balikat, nakasuot ng
itim na cap, at katamtaman ang pangangatawan.
Napag alaman
na pagdating sa
counter,aktong magbabayad umano ang
suspek subalit sa
halip na pera Baril at
kaagad na tinutukan
ang shift leader si Tyrone Mikko Palo kasunod na ay nagdeklara
ng holdap at nakuha
rito ang P5,000 na
kita ng tindahan.
Matapos nag ginawang panghoholdap mabilis na
tumakas ang mga
suspek na sumakay
sa tricycle.
Batay sa ulat,
lumalabas na ang
pang-anim na beses
na umanong hinoldap
ang Alfamart Convenience Store na ito sa
loob lamang ng limang
buwan, April 26 nang
holdapin ang isang
branch sa Brgy Molino
3, Bacoor City, Cavite;
July 08 ang isang
branch sa Bgry Biga 2
Silang, Cavite; July 19
sa Congressional Road
, San Gabriel General
Mariano Alvarez GMA)
; August 15 branch
sa Brgy Luciano Trece
Martires City, Cavite
at August 30 sa Villa Catalina, Brgy San
Agustin 3, Dasmarinas City, Cavite.
M a g s a s a g a w a
naman ng masusing
imbestigasyon ang
pulisya at dranet/
operation hbang Inaalam rin kung may
inside job na naganap
sa nasabing. MARGIE
BAUTISTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *