Grupo ng mga private security guard,nagtayo ng illegal checkpoint sa Silang

Huli Cam ang isang grupo ng mga private security guard
sa Brgy. Batas sa Silang matapos silang
mangharang ng dumadaang pampribadong sasakyan. Mahigit limang (5) mga
private security guard
umano ang humarap
at nangharass sa biktima at sa anak nito.
Ang video ay kuha
pa noong August 19
na kamakailan lamang nakarating
sa mga awtoridad.
Agad naman itong inaksyonan ng LGU ng
Silang.
Ang hinarang ng
mga guwardiya ay
kinilalang si Henry
Cortez na sakay ng
isang pick-up na may
kargang pataba sa
lupa. Giit nito, hindi
umano siya pwedeng
harangin at pagbayarin gayong ang
daan ay isang Barangay Road.
Nang sabihin
ng nagvivideo na ipaaalam niya ang
ginagawang ito ng
mga guwardiya sa
munisipyo, ay tuluyan nang uminit ang
ulo nang isa sa mga
guwardiya at pinagsisigawan sila.

Matapos umanong magpaliwanag
ni Cortez, siya raw ay
dumeretso na ngunit
siya ay sinundan ng
mga guwardiyang nakagirian hanggang sa
bakuran ng kanilang
bahay at patuloy na
hinarass.
Kitang-kita rin sa
video ang pananadyak ng isa sa mga nakaunipormeng guwardiya. Dahil narin
sa pinakawalang tadyak ay tuluyan nang
nagkagulo.
Si Cortez pati
narin ang menor de
edad niyang anak ay
nagtamo umano ng
mga galos at pasa
sa kanilang mga katawan.
Pormal na nagahin ng mga reklamong Physical Injuries,
Harassment, Emotional Abuse at Child
Abuse si Cortez laban
sa tatlo sa mga nakuhanang guwardia.
(GOCAVITE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *