VP-SECRETARY SARA ATTENDS MOVING UP CEREMONY FOR 220 PDLs

Dumalo si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte (kaliwa, nakatayo) sa moving up ceremony ng may 220 persons deprived of liberty (PDLs) sa matagumpay na pagtatapos ng elementarya at junior high school sa pamamagitan ng programang Alternative Learning System (ALS) sa Manila City Jail-Female Dormitory noong Agosto 23, 2023. Sinabi ng Pangalawang Pangulo na buhay ang pag-asa maging sa likod ng mga rehas sa pagkalinga at pagkakaloob ng serbisyo publiko sa mga PDL na hindi naiiwan, lalo sa larangan ng edukasyon. Dumalo din sa naturang seremonya si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Director Ruel S. Rivera, BJMP-National Capital Region Director C. Supt. Clint Russel A. Tangeres, Manila City Jail – Female Dorm warden Supt. Maria Lourdes P. Pacion, Manila City Jail – Male Dorm Supt. Mirasol V. Vitor, at iba pang mga opisyal ng BJMP. (Benjie J. Murillo / BJMP Photo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *