CARNAPPER NG MOTOR NAARESTO NG HIGHWAY PATROL GROUP, DAHIL SA NINAKAW NA SAPATOS

Inaresto ng Cavite Provincial Highway Patrol Team (PHPT)) ang tatlong kalalakihan na umanoy suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo makaraang mabuking ito sa pagnanakaw ng sapatos sa isang bahay sa brgy Toclong Kawit, Cavite. Base sa report mula sa tanggapan ni PMAJ GEGEON MERZA, Provincial Officer ng PHPT Cavite, Kinilala nag mga nadakip na mga suspek na sina Virgilio Cantos y Donor,31 anyos ,walang trabaho tubong Samar, kasalukuyang nakatira sa brgy Maliksi ng nasabing lungsod, Rafael Canonoy y Ocampo at Bryan Manatad y Contillo ,tubong Catbalogan Samar, residente ng Tabing Dagat, Brgy Talaba 2, Bacoor City,- Cavite. Ayon sa ginawang imbestigasyon ni PCMS Ferdinand Cruz, ng PHPT personnel,- may hawak ng kaso at PCapt Mark Anthony Englatiera, hepe ng Intelligence Section ng Kawit MPS at Bacoor CPS, August 22, 2023 Dakong alas 10: 00 ng gabi nang maaresto ang mga suspek kasabay na narekober sa kanila ang Isang Yamaha Mio 125 na may temporary plate na nakarehistro sa biktimang si Rio Walter A. Castro, residente ng 4H Handog Residence Brgy Toclong kawit,- Cavite. Kaugnay sa nadakip na suspek, noong makaraang August 19 2023 ganap na alas 11: 00 ng Umaga ng magtungo sa brgy ang biktimang si Castro upang ipa blotter ang nawawala niyang motorsiklo at dito ay nagtungo narin sa opisina ng HPG sa Imus upang ipa alarma ang nawawalang motor. Dahil sa naganap na insidente kaagad na nagsagawa ng imbestigasyon at follow up operation ang mga operatiba ng Highway Patrol Group upang kaagad madakip ang mga responsable rito. Base naman mula sa CCTV sa lugar ilang araw umanong pinag aralan ng mga suspek ang gagawing pagnanakaw sa motor na katabi ng Isang resort sa nasabing lugar. Nabatid na dahil sa naunang insidente ng pagnanakaw ng ladies Sandals ni John Simon Arrelano, 28 anyos, ay inginuso nito sa mga awtoridad ang pinagbentahan niya ng motor at mula nakita rin sa CCTV na siya ang nagpanggap na costumer sa nasabing resort at siyang tumangay ng motor na nakaparked sa lugar. Sa ginawang iterogasyon ng pulisya sa nadakip na SI Arellano itinuro nito kung saan niya ibinenta ang motor na naging resulta ng pagkaka arresto ng mga suspek. Sa ibinigay na mensahe ng bagong hepe ng Provincial Highway Patrol Team(PHPT) na SI PMAJ GEGEON MERZA, patuloy silang mag sasagawa ng Anti Carnapping operation upang maiwasan ang paglaganap ng mga nawawalang motor sa lalawigan at sa kalapit probinsiya. Sinampahan na ng PD 1612 or anti fencing Law ang mga nadakip na suspek habang direct file naman para sa kaso ng Anti Carnapping law..MARGIE BAUTISTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *