PLEBESITO PARA SA BACOOREÑO  MAISASAKATUPARAN NA

Sa inilaabas na ordinansa sa lungsod ng Bacoor mula 73  na barangay, magiging 49  na barangay na lamang ito matapos ang isasagawang  plebisito sa nasabing lungsod sa darating na July 29,2023.

Sa naganap na  First Bacoor City Plebiscite Joint  Security Command na dinaluhan ng mga matataas na opisyal mula sa LGU Government, Philippine National Police (PNP) at Commission on Election (Comelec).

Alinsunod sa City Ordinance No. 275-2023 series of 2023, pagsama-samahin ang mga barangay upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo  at pamamahala sa kanilang komunidad  kung saan 49 na barangay ang mapapabilang sa nalalapit na merging.

Sa ibinigay na paliwanag  Bacoor City Mayor STRIKE REVILLA na mahalaga ang merging ng mga  Barangay upang mapabuti ang  paghahatid ng serbisyo at matiyak  na ang lahat ng residente ay makakatanggap ng pantay pantay  na oportunidad at access sa mga resources layunin naman  ng barangay merging  na mapalakas ang pamamahala at proseso ng paggawa ng desisyon

Ayon naman kay  Comelec Chairman George Erwin Garcia na LGU ng Bacoor City ang gumastosastos ng dahil sila ang component ng nasabing Plebesito at Tinatayang may 114,418 ang Barangay Registered voters.

Sa pakikipanayam naman kay Cavite Provincial Director PCol Christopher  F Olazo na “all system go” at nakahanda ang kapulisan na maging maayos  ang seguridad  sa nasabing halalan.(MARGIE BAUTISTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *