Bukod sa paggawa ng mga batas, tayo din po ay patuloy na tumutugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan na isa din po sa aking pangunahing layunin at malaking karangalan na kayo po ay aking mapaglingkuran. Kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), kami po ay naghatid ng pinansyal, medikal, at burial assistance sa 441 na residente ng Carmona, Silang, at GMA.
Patuloy po ang aking pakikipagtulungan sa DSWD at sa iba pang mga ahensya ng gobyerno upang makahanap ng mga paraan at mapagkukunan ng pondo para sa ating distrito.(Atty. Roy M. Loyola fb page)