Pinangunahan nila Mayor Jon-Jon Ferrer at Vice-Mayor Jonas Labuguen ang pagpapailaw sa mga bagong installed na 60 UNITS STREET LIGHTS sa Stateland, Brgy. Manggahan. Parte ito ng safety at crime-prevention initiatives ng Pamahalaang Lungsod. Kabilang sa mga dumalo sa Street Lighting Ceremony sina Cong. Ony Ferrer, Board Member Kerby Salazar, mga Sangguniang Panlungsod Members, Punong Barangay Ramil Barrientos at Barangay Officials, HOA Federation South Sector Officers sa pangunguna ni Pres. Boggie Villanueva, at kinatawan ng Camel Appliances na isa sa mga pangunahing kompanya sa lugar.
Let’s Join Forces for a Safe and Crime-Free City of General Trias!(Jerry Guina)