Isang mister ang nag pakamatay sa pamamagitan ng pagbigti nito makaaraan umanong hindi na nito makayanan ang pagkalulong sa sugal Indang, Cavite Ayon sa ulat, Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktima na si si Jonjon Sarmiento y Babaan, 38, may-asawa, walang trabaho at residente ng 250 Camia St., Brgy. Mahabang Kahoy Cerca, Indang, Cavite nang natagpuan. Batay sa report ni PSMS Oliver A. Razon Jr., ng Indang MPS, dakong alas- 5:15 ng hapon nang nakita ng tiyuhin ng biktima na si Cenon Sarmiento y Gerpacio ang pagpapa kamatay ng kanyang pamangkin sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang Isang lubid na tali ng manok. Napag alaman na nakuha mula sa bulsa ng pantalon ng biktima ang isang ball pen at suicidal note kung saan nakasulat ang paghingi nito ng kapatawaran sa kanyang pamilya, magulang at mga kapatid sa lahat ng kanyang mga pagkukulang at pagkalulong nito sa bisyong sugal. Kumibinsido naman nag pamilya ng biktima na walang naganap na foul play sa insidente kung kaya pumirma sila ng waiver na hindi na sila interesado sa isasagawang awtopsiya sa biktima. (MARGIE BAUTISTA)