Sa tulong po ng programang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) na hatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at pakikipagtulungan ng opisina ni Cong. AJ Advincula, muli po tayong nakapaghandog ng pinansiyal na tulong sa 449 nating kababayan na higit na nangangailangan.
Sinisiguro po naming hindi kami titigil abutin ang mga Imuseñong nangangailangan. Tuloy-tuloy po ang pagbibigay natin ng serbisyong makatao para sa ating mga kababayan dito sa Lungsod ng Imus!
